Chords
Do the following chord pattern the whole song:
C,Am,Dm,G-;
C,Am,Dm,G-;
C,Am,Dm,G-C break
Ay naku, ayan kasi ano
Ang hihilig kasi sa magagandang lalaki
Ang hilig sa magagandang babae
O anong napala n'yo, e 'di wala
Kaya kung ako sa inyo
Makinig na lang kayo sa sasabihin ko
Humanahap ka ng pangit at ibigin mong tunay
Yan ang dapat mong gawin
Kaya makinig ka sa akin
And it goes a little something like this
Kung gusto mong lumigaya ang iyong buhay
Humanap ka ng pangit at ibigin mong tunay
Isang pangit na talagang di mo matanggap
At huwag ang lalaki na iyong pangarap
Ngunit kung bakit ko sinabi 'to ay simple lang
Pagkat magagandang lalaki ay naglalaro lang
Ng iyong oras, pagod, hirap at salapi
Ngunit handang-handang iwanan ka naman sa sandali
Na ikaw ay wala nang ibigay, di ba?
Kaya pangit na lalaki ang hanapin mo 'day
Kung hindi, sige ka, puso mo'y mabibiyak
Mawalay man ang pangit hindi ka iiyak
Chorus
Humanap ka ng pangit (Huwag na oy!)
Humanap ka ng pangit (Huwag na oy!)
Humanap ka ng pangit (Huwag na oy!)
Ibigin mong tunay (Huwag na oy!)
Humanap ka ng pangit (Huwag na oy!)
Humanap ka ng pangit (Huwag na oy!)
Humanap ka ng pangit (Huwag na oy!)
Ibigin mong tunay (Huwag na oy!)
Isang pangit na babae na mayroong pagtingin
Mangaliwa ka man, ah sige lang andiyan pa rin
Pagkat ikaw talaga ang kanyang pag-aari
Pag-isipan kang iwanan hindi na maaari
At kung malingat ka man huwag mag-alala
Sigurado ka naman walang makikipag-kilala
Kung kasama mo siya, di bale na katakutan
Okey lang, kung ikaw naman ay paglilingkuran
Kaya't para lumigaya ang iyong buhay
Humanap ka ng pangit at ibigin mong tunay
At kung hindi, sige ka puso mo'y mabibiyak
Mahiwalay man ang pangit hindi ka iiyak, di ba?
(Repeat Chorus)
Sasabihin ko sa inyo kung ano ang nangyari
Na may na-date akong isang pangit na babae
Manliligaw daw niya ay talagang ang dami
Nguni't nang siya'y nakita ko, mukha siyang lalaki
At sa akin ay matatawa ka talaga
Pagkat kahawig na kahawig niya si Zorayda
Maniwala ka't ako'y napa-ibig niya
Bakit? Eh kasi ang bait-bait niya
Lahat ng aking hilingin, di tumatanggi
Palagi siyang nakahalik sa aking pisngi
Ako'y shock, ahhh araw-araw
Na tuwing kasama ko siya, gusto kong sumigaw
Gusto ko iwanan siya, pero ako'y nag-isip
Ito ba'y totoo o isang panaginip
Di siya maganda, ngunit ako'y kanyang hari
Iyon ba dahilan kaya'y kasama mo palagi
Sabihin man nila na ako'y mangmang
Para sa akin kagandahan ay hanggang balat lamang
At sa inyo meron akong ibubulong
Second anniversary na namin 'to tsong
Kaya't para lumigaya ang iyong buhay
Humanap ka ng pangit at ibigin mong tunay
At kung hindi, sige ka puso mo'y mabibiyak
Mahiwalay man ang pangit hindi ka iiyak
(Repeat Chorus)
C F
So you better watch out, you better not cry
C F
You better not pout, I'm telling you why
C Am Dm G C
Humanap ka ng panget at ibigin mong tunay
C F
Cause the girls and the guys, they tell you all lies
C F
You have to find out who's naughty, who's nice
C Am Dm G C
Humanap ka ng panget at ibigin mong tunay
Break it down
Coda: (Do chord pattern)
Send feedback
Tabs by: project8
Published: 4 Jan, 2013
Rate tab
Andrew E. top tabs
No data
Video covers
Have a cover of this song?
There are no similar songs for this song.
Comments (0)
Format tab